Aug27

Ang Blogging Mafia Bow


Ang mga nasa litrato Abe, Gail, Marc, Sharms, Jayvee, MarcV, Jomar, Karla at Mike.

Mga litrato iyan mula sa after party ng launch ng Motorola Razr-2. Mas marami pang litrato dito kay Sharms.

Ito daw yung Blogging Mafia o ito daw pinapahalingan na Blogging Mafia daw. Wala akong nakikitang ginagawa ng grupo na ito na maaring sabihin na mafia. Walang pinagkaiba sa mga ginagaw ng ibang barkada ng bloggers.

Pagkakaibigan ang isa sa mga bagay na nabibigay ng blogging. Sa Internet o On-line maliban sa pag-uusap sa mga dating kaibigan, na malayo na sa isat’ isa, makakakilala ka ng mga taong magiging. Ang kinaganda nito ay bigla kanalang magugulat sa mga taong na tinuturing mong kaibigin dahil talagang ibat-iba sila: May bata, May matanda, May cono, May jolog, May siyano, May pa wersh-wersh, may baduy, may pandak, may matangkad, may payat , may mataba at ibat-iba pa.

Ganoon talaga nag-uumpisa sa pangkaraniwan na pinagkawilihan na humantong sa pagkakaibigan. Siempre may mga anik-anik at suliranin na dumadapo sa samahan. Hindi talaga maiiwasan. Tao namang lahat. Alam kong hindi katuwiran iyon pero nangyayari talaga.

Siguro masasabig mong barkada ito. At katulad ng ibang samahan may umaalis, may bumabalik at may nadadagdag. Napasama ako dito kamakailan lang, ngunit mga nakilala ko na at naging kaibigan ko na ang mga ilan sa kanila bago pa. At wala akong nakikitang pagkakaiba sa barkada na ito sa ibang barkada ng mga bloggers or kahit ano pang barkada.

Blogging Mafia?

Hindi.

Clique, Pangkat, Barkada o Samahan?

OO

Subscribe to baratillo @ cubao

Subscribe to baratillo @ cubao by Email

5 Responses to “Ang Blogging Mafia Bow”

You can leave a response, or trackback from your own site.

  1. Marcvill

    Said this on August 27th, 2007 at 1:57pm:

    Napaka masalimuat ang iyong obserbasyon, kapatid na Juned. Ikinagagalak kong malaman na marahil isang kathang-isip lamang ang the ’so called’ Blogging Mafia. Haha. Walang Mafia. Wala talaga. Puro mga sira ulong lasing ang mga nakita ko sa mga litrato. Nakakatawa.

  2. jayvee f.

    Said this on August 27th, 2007 at 2:28pm:

    haha nasuka si gail! :D

  3. arpeelazaro

    Said this on August 27th, 2007 at 3:00pm:

    batid ko yang aksusyon na yan mula sa isang blogger na premyado pa man din. opinyon nya yun eh. ako nga bago lang din at hindi ko naman ganun ka kilala yung mga nasa litrato pero sumasali ako kasi hinihikayat naman nilang sumali yung iba. ganun talaga, sa umpisa medyo may konting kahiyaan kasi sila magkakakilala, ikaw bago ka pa lang. pero kung maya’t maya nakikita ka nila, makilala ka rin at pwede ka nang umepal epal kasi kumportable na sila sa yo. kahit naman sa eskwelahan at sa trabaho ganun talaga ang kalakaran. kaya hwag na mahiya! sali na!

  4. sharm

    Said this on August 27th, 2007 at 9:13pm:

    nice pics, juned. :) pero EEK! ang daming ngang incriminating pics. oh no!!! peace marc (sweetie ko) hehe… ;)

  5. Get a Gravatar!

    juned

    Said this on August 28th, 2007 at 9:43am:

    @Marcvill, Tama ka brother

    @Jayvee F, I only saw the aftermath :)

    @Arpee, True true

    @ Sharm, Sabi ko sa iyo :) edited pa iyan :)


Leave a Reply

Recent Posts

Popular Categories

About

  • In Cubao was a house sitting along Harvard Street and in the house lived Juned.
  • Short in stature and wide in girth, he is culturally the sum total of the consecutive rule of the Spanish Friars and the Conquistadores; the American Thomasites and the Tammany Hall Politicians, and Ferdinand Marcos and his New Republic or as was known in the vernacular Bagong Lipunan.
  • A Martial Law Baby and a Edsa I participant, Juned has become somewhat of a Sancho Panza minus the Don Quixote.
  • Aside from baratillo @ cubao, Sancho er Juned has several other blogs.
  • Juned also writes for b5media as the blogger for A Feed Is Born blog - all about RSS, webfeeds and information overload.
  • Here is a more detailed version of the about page, verbose and boring, with the exciting and original title of About Juned