Jun13

Libro: A Question of Heroes ni Nick Joaquin

Kung bakit naging paboritong kong basahin ang A Question of Heroes ni Nick Joaquin. Akala ko nawala ko na yung aklat na ito. Ilang taon din ko itong hindi nakita. Nadiskubre ko lang siya ulit ng nahanap ako ng libro sa lumang aklatan namin sa bahay. Softbound yung libro nito nabili ko pa yata sa Alemars doon sa Cubao. Wala na yung Alemars.

Noong nag-aaral pa ako sa UPIS (University of the Philippines Integrated School) isa sa mga electives na kinuha ko noong nasa Grade Ten ako ay mythology. Marami kaming nag-enroll sa klase na ito kasi nga ito yung isa sa mga pagkakataon na mapag-aaralan namin ang alamat ng ibat-ibang bansa at kultura. Mapag-aaralan na namin yung mga buhay ni Perseus, Icarus, Heracles at iba iba pang mga bayani at mga diyos. Subalit sa unang araw palang ng klase namin ay marami sa mga kasama namin ay nag-iba ng isip. Kasi naman yung Professor namin na galing sa UP College of Education ang unang pinagawa ay mag saliksik at sumulat kami ng report tungkol sa mga bagay-bagay ng kulturang Pilipino. Mula sa pagpanday ng ginto sa Bagiuo, sa pag-luluto ng bagoong sa Pangasinan, at sa paglikha na mga bakya, baston, at istatwa sa Paete ito ang pinag-aaralan at pina-saad sa amin. Marami nga ang umalis noong laman ito. May mga ilan-ilan na natira, kabilang kami sa mga natira. At hindi rin kami nagkamali sa desisyon namin. Marami din kaming natutunan tungkol sa mga bagay bagay na Pilipino at sa mga huling parter ng semester ay tinalakay din namin ang mga alamat ng ibat-ibang bunso.

Hindi ko makalimutan na insidente sa klase na yun ay noong dumating ang Professor at nakita yung librong binabasa ko. Nagalit siya at sinabi niyang dapat ay mag-ingat-ingat ako sa pagbasa ng libro na iyon, kasi baka masira ang aking pagtingin sa mga Bayani ng Revolyson. Ang libro ay isinulat ni Nick Joaquin at ang titulo ay “A Question of Heroes”.

Si Nick Joaquin ay batikan na manunulat na kilala sa mga sinulat niya na palabas sa entablado (tulad ng A Portrait of the Artist as Filipinp), mga istorya ( tulad ng Mass of Saint Sylvester), at mga sanaysay. Pero ang pinaka paborito kong libro ni Ginoong Joaquin ay ang libro na pinuna ng Professor ko sa mythology.

Ang libro ay sama-samang mga sanaysay tungkol sa mga Bayani ng 1898 Reboluyson. Tinalakay ni Joaquin si Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Antonio Luna, Gregorio Del Pilar at si Artemio Ricarte. Walang pakundangan ang pagsulat ng may akda sa ating mga bayani; ang lakas at kahinan nila ay parehong pinakita. Nagsisimula ang istorya kay Padre Pelaez ang mestizo na nagig vicar capitular ng simbahan at nangunguna sa mga reporma sa loob ng simbahan. Tumutoloy sa Cavite Mutiny ng 1872 at ang pagkaberdugo sa mga pari na sina Gomez, Burgos, at Zamora. Tatalakayin din ang buhay ni Rizal at ang mga tanong na dapat sagutin, isa na kung bakit ang bida sa kanyang mga nobela ay isang Mestizo. Makikila mo ang isang kakaibang Bonifacio na nagtratrabaho para sa isang kompanya na banyaga at magtatanong ka kung ang pagka-Tondo ba niya ang isa sa mga bagay na nagpahamak sa kanya. Makikita mo rin ang mga problema na dinaanan ni Aguinaldo bilang Pinuno. O totoo bang si Mabini ay ang Robbespiere ng Revolution. At sa huli makikita mo din ang mga nangyari sa Revolutionaryo na kahit kailan ay hindi sumuko sa mga Amerikano sa katauhan ni Ricarte, na lung tuusin mo ay huling rebolusyonaryo. Ano ang nangyari sa kanya at paano siya nagulat noong huling bumalik siya sa Pilipinas kasama ang mga Hapon ng pangalawang digmaan pangdaigdig.

Ang libro ni Nick Joaquin ay iconoclastic, nagtatanong at nagpupuna sa mga ating bayani. Kaya siguro pinuna din ito ng aking Professor. Siguro sa pananaw niya delikado ang ganitong talakayan, subalit (para sa akin) importante at nararapat ito upang lalo nating malaman at makilala ang ating mga bayani at ang Reboluyson. Una, upang hindi na makalimutan na kahit sila ay mga bayani at pinuno ay tulad natin tao din sila na nagkakamali, tumatawa, lumuluha, nasasaktan, at umibig. Pangalawa, matuto tayo sa mga tamang ginawa at mga kamalian na ginawa di. Pangatlo, Mawala ang romantikong pagtingin natin sa nakaraan at sa reboluyson para mas handa taya sa kasalukuyan at sa hinaharap.

A Question of Heroes
by Nick Joaquin


One Response to “Libro: A Question of Heroes ni Nick Joaquin”

You can leave a response, or trackback from your own site.

  1. Jun13

    jane

    Said this at 6:57pm:

    Sige nga, makabili nga nyan :)

 

Leave a Reply

 

Recent Posts

Popular Categories

Tagalog Aquarium Keeping blogs Sold Podcasts Politics 4 sale snapshots TV Web Sources

About

Baratillo books cinema @ cubao is a blog shop. In this blog you will find post and articles about Cubao, Filipinos, the Philippines, films, books, blogs, and other stuff. You will also find some items for sale. Welcome to the Baratillo @ Cubao.

About Juned

Things for sale at the 4 Sale Archives