baratillo @ cubao : www.baratillo.net

Being the constant student

Posted in Something to share, Fun by juned on the April 18th, 2008

I remember seeing an old caricature done by Goya of an old man hobbling around. The old man had a beard that nearly reached the floor. And he was stooped over and was walking with the aid of a cane. And above him was a thought balloon that said I am still learning. It is nice to be student. The constant student. The student of life.

For all those wishing to learn a craft or two. The following blog-directory might be of interest.

I got this one of my favorite blogs the LibrarianInBlack. And she mentioned in her post, Self Made Scholar. The Self Made Scholar is a blog and directory that leads to several Free Online Classes.

The courses is a collection audio, video, email and text based on-line courses deemed best Self Made Scholar.

It is a great site. I like it because its one of those blogs that brings us closer to those resources on the Internet that we can use.

The on-line are grouped by format and by subject. I prefer to search by subject. And each directory item contain the following items:

  • Name of Course
  • A one to five sentence description of the course
  • Format
  • Link

  • Check out their courses:

    Writing
    Hobbies
    Cooking
    Animals
    Books

    You know your old when …

    Posted in Something to share, Observations and Notes by juned on the January 31st, 2008

    Or in the vernacular, Tagalog:

    Gising, kaibigan. Tumatanda ka na, friend.

    Class Picture

    Yesterday, I was with friends who kept on referring to things I spoke of as pre-war, well pre-Edsa. And a few weeks before that I was talking to two people who did not know who Freddie Mercury was. At least they knew what Bohemian Rhapsody was and can sing it.

    Yesterday, this email got into my mail box. Funny and poignant. I would like to share it with you in its original state, save for certain words in Bold. The email is in Tagalog.

    —– Forwarded Message —-
    From: XXXXXXXXX
    To: XXXXXXXXXXX
    Sent: Wednesday, January 30, 2008 10:02:38 AM
    Subject:Gising! kaibigan….

    I remember, someone told me.. To whom much is given, much is expected*

    SUBJECT: Gising, kaibigan.

    Tumatanda ka na, friend.

    Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.

    Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.

    Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati.

    Nanay
    na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon .

    Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng “PENDONG!”.

    Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning.

    Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin
    C, royal jelly, tsaka ginko biloba.

    Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw
    na liempo, pusit, at kung anu-ano pa.

    Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

    Wala na ang mga kaibigan mo noon .

    Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo.

    Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka.

    Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado
    kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka.

    Ang hirap nang magtiwala.

    Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan.

    Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.

    Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera
    at

    umakyat sa tinatawag nilang “corporate ladder”.

    Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.

    Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

    Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

    Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun Cellular.

    Alipin ka ng mga Sale sa Midnight Madness.

    Alipin ka ng tollgate sa expressway.

    Alipin ka ng credit card mo.

    Alipin ka ng ATM.

    Alipin ka ng BIR.

    Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton.

    Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo.

    Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming.

    Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar.

    Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.

    Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig
    Light o Vodka Cruiser.

    Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.

    Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo
    mo.

    Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo

    kailangan, abot-kamay mo na.

    Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

    Saan ka ba papunta?

    Frend, gumising ka.

    Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng
    mga machines sa Matrix.

    Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.

    Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta
    anyos kana, magsisisi ka.

    Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na
    nagpasaya sa yo.

    Balikan mo sila…. dahil ang nagbago, hindi ang mundo.