Tagalog | baratillo @ cubao : www.baratillo.net

baratillo @ cubao : www.baratillo.net

Araw ng Kasarinlan: Araw ng Kalayaan

Posted in Tagalog by juned on the June 12th, 2008

Hindi ako makatulog. Para bang may bumagabag sa akin puso. Nasobrahan lang ba ako sa pag-inom ng Coke o may iba pang dahilan kung bakit hindi ako nakahiga ngayon sa aking kama at nanaginip na nasa ibang mundo - na walang hirap at puot. Sabay tingin sa cellphone at relo. At pagtingin ko … 12 ng Hunyo na pala. Araw ng Kalayaan - Araw ng Kasarinlan.

Ito ang araw na tinugtug ang Bayang Magiliw at mga unang araw na tinaas ang watatawat ng Pilipinas. Naudlot man ng mga nangyari ang unang Republika ng Pilipinas. Hindi nawala ang pagnanasang maging malaya. At ang Bayang Magiliw katulad ng watawat ng Pilipinas ay kusang umuusbong kahit ito ay pinagbabawal. Hindi talaga mapigil.

Kahapon ng gabi nakita ko itong larawan na ito:

IMG_8992

Ang larawan na ito ay likha ni Rhett Eala at makikita sa CAV sa Bonifacio High Street hanggang sa ika-14 ng Hunyo. Isa ito sa marami na kasama sa serye na sabi daw ay larawan na sa istilo na Rorschach. Napili ko itong iisang larawan na ito dahil para sa akin ito yata ang pinaka-angkop na sagisag (?) o simbolo ng ating inang bayan - Ang Pilipinas.

Maraming taon na ang dumaan at marami na rin nangyari. Dumating ang mga Datu mula sa ibang bansa; Dumating at namatay si Magellan dahil kay Lapu Lapu; Bumalik ang mga Conquistadores mula Mexico; Tatlong daan taon tayo nanirahan sa ilalim ng kampana ng simbahan; Halos 50 na taon din tayo tinuruan ng mga Amerikano na maging Amerikano; Dumating at umalis ang mga Hapon; Sumailalim tayo sa pamumuno ng mga Pangulong mabuti, hindi-gaanong mabuti; at hindi talaga mabuti.

At nandito tayo ngayon. Katulad ng larawan iba iba na tayo. Tingnan mo lang ang paligid mo. Wag ka na lumayo tingnan mo na yung mga kaibigan at kilala mo. Iba iba tayi : tisoy, bisoy, kayumanggi, tsinito, matangos ang ilong o pango; muslim, kristiyano, Tagalog, Bisaya, Ilongo o FBI - Full Blooded Ilocano. Tayo ang ibat-ibang mukha ng Pilipinas.

Tayo ay Pilipino. At kahit na apektuhan ng “holiday economic” ang araw na ito tandaan natin na tayo ay Pilipino.

Bakit ko ba naiisip ito bigla? Puyat lang siguro at natandaan ko lang Araw ng Kalayaan. Pasensiya na. Pinoy ako (^_^)Y

ISKO

Posted in Tagalog by juned on the January 25th, 2008

This post is in Tagalog and Taglish ( a mixture of Tagalog and English). It was a survey circulating around for some time among the graduates from the University of the Philippines.

Galing ito kay Benjie ay Urbano dela Cruz pala. Ang post niya na may titulong ISKO. Sa Tagalog o Taglish ang post na ito.

Meme ito so taya sina Markku, Eugene, AJ at Coy. O sino man gustong sumali.

UP Survey

Maligayang ika-100 taon, mga Iskolar ng Bayan!

1. Student number?

84-00890. Unang tanong pa lang bastusan na!

2. College?

College of Education, CDC tapos nawala ako bumalik at nag-aral sa UP Integrated School.

Ah - eh nagsimula ako sa Institute of Biology, College of Science tapos napunta sa Institute of Aquaculture, College of Fisheries, Miag-ao, Iloilo, UP in the Visayas. Kung saan nakatapos ako ng BS in Inland Fisheries & Aquaculture

Bumalik ulit at nag-aaral sa Institute of Information and Library Science (ILIS) sa UP Diliman. Natapos pagkapos ng matagal na panahon at nakakuha ng Master of Library and Information Science.

3. Ano ang course mo?

CDC- Pre School
UPIS - Grade 7 to 10
BS Zoology
BS Fisheries - Inland Fisheries and Aquaculture
Master of Library and Information Science

4. Nag-shift ka ba o na-kickout?

Obvious ba? He he. Ang problema sa UP pagtapos pumasok ay kung papaano magtapos na hindi na sisipa.

5. Saan ka kumuha ng UPCAT?

Sa old na New Building ng UP Integrated School.

6. Favorite GE subject?

Asian Civilization
PI 100
English

7. Favorite PE?

Relaxation Exercises (UPIS)
Swimming (Exempted he he)

8. Saan ka nag-aabang ng hot guy sa UP?

Doon sa … he he ha ha. If you mean beautiful people kalat naman iyan. Pero marami kang nakikita sa mga canteen or during registration.

9. Favorite prof(s)

Kasi they made life and the learning process interesting.

Edru Abraham, Alex Magno, Sonny Daria and Lourdes David, Prof Mines, Prof Cruz and Prof Tan

Prof Socorro Villabos, Prof Pambid, Prof Miciano, Dr Munariz and Dr Doronila.

10. Pinaka-ayaw na GE subject.

Wala naman, pero maraming nakaka-asar na non-GE subjects.

11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?

Siempre, pare may baon.

12. Nakapag-field trip ka ba?

BS Zoology and BS Fisheries, siempre madami minsan kada buwan.

13. Naging CS ka na ba or US sa UP?

Ha ha. Are you joking? Hindi ako ganoon ka sipag.

14. Ano ang Org/Frat/Soro mo?

UP Zoological Society
Fisheries Guild
UP Quom-SAGM
UP LISA
BARBARIANS

15. Saan ka tumatambay palagi?

Depende sa taon:

Drug Store near Balara
Owl’s Nest
AS Hill
Yung Beach Resort katabi ng UP in the Visayas


16. Dorm, Boarding house, o Bahay?

UP Diliman - bahay (Taga Cubao lang kami.)

UP in the Visayas- Palipat-lipat ng Dormitory sa Miag-ao.

17. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano
yun?

Library Science or History

18. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?

Dr Solomon Jacalne, first day namin noon sa UPIS. Sa CDC marami pero hindi ko na matandaan.

19. First play na napanood mo sa UP?

Puppet play ng Teatrong Mulat. Ito yung grupo nina Prof Amelia Lapena Bonifacio. Simula noon gusto ko ng maging puppeteer. Maybe someday.

Pero I do remember watching Lou Veloso in Anton Juan’s Taong Grasa.

20. Name the 5 most conyo orgs in UP

Yung nasa AS 101? Lateo? Ha ha

Wala naman talaga may cono, burgis, promdi, jologs, jeproks at nerd sa bawat org.

21. Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP

Yung association of mrr students, aka the Forever Students/Professional Students, who eventually graduated. Kasama ako diyan.
:)

22. May frat/soro bang nag-recruit sa yo?

Wala. Barbarian nga eh!

23. Saan ka madalas mag-lunch?

Casaa, Beach House, Rodics at Shopping, Drug Store and an actual Beach House in UP in the Visayas.


24. Masaya ba sa UP?

Masaya at malungkot. Pero matuto kang mag-isip para sa and umasa lang sarili mo.

25. Nakasama ka na ba sa rally?

Oo. Yung isa flash rally sa Rustan. Napagalitan kami ni Benjie kasi bumili kami ng ice cream mula sa grocery ng Rustan.

26. Ilang beses ka bumoto sa Student Council

I cant remember once or twice

27. Name at least 5 leftist groups in UP

Lahat yata :) Most people who get elected were Left of center. It was only when Tugon won that the it went more or less to the center.

28. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?

Not after the 1st Semester. Ha ha.

29. Kanino ka pinaka-patay sa UP?

Secret. Bakit kasama ang tanong na ito?

30. Kung di ka UP, anong school ka?

First Univesity of choice ko was University of the Philippines: Pamantasan ng Pilipinas : Univbersidad ng Pilipina - UP Diliman o UP Los Banos pero nag-aral din ako sa UP in the Visayas, Miag-ao, Iloilo. Second University of choice ko was the School/University of Rizal along Katipunan ave also known as Ateneo.

Pahabol na tanong:

31. Paboritong inuman?

1)Owl’s Nest and imbudo night. (Hindi pa strict noon sa UP).

2) Beach Resort sa UPV Miag-ao

Sari-Sari at Iba’t-iba na mga bloggers

Posted in Blogging & Technology, News and Announcements, Politics and Culture, Tagalog by juned on the October 1st, 2007

100-0089_IMG

Umulan noon. Patak ng patak ang ulan. Halos wala ka makitang mga sasakyan sa kalye, Linggo o Domingo kasi walang trabaho maliban sa mga nag tratrabaho sa mga call center o mga nag-susulat ng SEO sa Ortigas. Hindi, mahirap pumunta sa lugar. Basa ang kalsada at iba-iba pa pero hindi mahirap pumunta. At dahil sa marami ng mga opisina sa lugar hindi nakakatokot pumunta. Parang ang hirap isipan na ang lugar na ito ay halos walang tao, maliban sa pasko na kung mayroon perya sa lupang malapit sa Meralco. Ang hirap din isipin na malapit dito dati may mga tangke na pinigil ng mga tao. Hinirang ng mga tao. Parang matagal ang nakalipas sa mga pangyayari na iyon.

Matanda ka na talaga sinasabi mo sa sarili mo. Napapangiti ka lang. Mahirap mag-isa kumain kung ano-ano ang naiisip. Tumayo ka na at umalis sa McDonald na bukas na ng 24 oras, ay nag iiba na ang panahon. Lumukad patungo sa isang edifisyo. Pasok ka sa loob ng pintuan na gawa sa salaming nandoon na mga kasama mo, mga kaibigan. Nandoon ka na sa NU 107 para RockEd Radio.

Usap-usapan muna kayo habang hinihantay niyo ang iba. Si Markku malapit na nga ang bahay wala pa rin, hay :) Mabuti pa ito sina Jayvee at AJ malayo nakatira pero nandito na. Sabagay, pag malayo ka talaga sa pupuntahan ay mas malaki ang tsansa na maaga ka darating. Mamaya nandiyan na si Joey at si Pepe Diokno. Nandoon na rin pala yung mga nanalo sa Coke Blog Contest. At si Miss Antipolo :)

Mamaya nagsimula ang usapan-usapan at talakayan. Sari-sari at ang pinagusapan tungkol sa blogging, Ang Ako, at ang buong pangkatauhan. Marami ang nasabi ng gabi na iyon at marami din ang hindi na sabi. May puri at batikos sa mga pinagsasabi at sa mga tao. Pero ganoon talaga. Ang mahalaga may talakayan. Ang alternatibo sa talakayan ay isang landas na wag na nating isipin.

Ang nakakatuwa sa talakayan ng mga bloggers ay makikita mo ang lawak ng edad sa mga bloggers. Mayroon pinanganak bago mag Martial Law. Meron pinanangak bago mag Edsa I at may mas bata pa.

Natandaan mo nanaman ang edad mo. Hay Buhay, parang life. Isa sa kinaganda ng blogging ay maari kang makakilala ng ibat-ibang tao mula sa ibat’t-ibang grupo sa lipunan. May bata, matanda, payat, mataba, jologs, baduy, cono, burgis, masa, middle class, promdi, at ibat iba ka iba’t-bilang kulay at hubog.

Ano ka doon? Hindi naman importante iyon :)