Quote of the day

Oscar Wilde: Some cause happiness wherever they go; others whenever they go

Posted in Postlet | Tagged , | Leave a comment

Straight from the Source: Spokesperson Abella on Sueno’s exit from the cabinet

This is post from the PCOO website about the exit and dismissal of SILG Sueno. Due to loss of trust and confidence. President Duterte has dismissed SILG Sueno.

From Presidential Spokesperson Ernie Abella – On Secretary Ismael “Mike” Sueno’s exit from the Cabinet

President Rodrigo Roa Duterte has dismissed Department of Interior and Local Government Secretary, Mr. Ismael Sueno, citing loss of trust and confidence.

The announcement was made at the end of the 14th Cabinet Meeting. The President had earlier asked a few questions of Mr. Sueno but the summary dismissal served as a warning that Mr. Duterte would not countenance any questionable or legally untenable decisions by any member of the Cabinet. The Secretary had, in fact, been instrumental in convincing the President to run for election, but this did not deter the President from pursuing his drive for a trustworthy government by addressing issues like corruption.###

From Presidential Spokesperson Ernie Abella – On Secretary Ismael “Mike” Sueno’s exit from the Cabinet. . PCOO. April 4, 2017. Link. Date Accessed: April 4, 2017.

Posted in News and Announcements | Tagged , | Leave a comment

My Asean 2017 Journal: The Role of PCOO

The Presidential Communication Operations Office is at the center of promoting and providing information service about the ASEAN 2017. This is one of its role and another is informating
Filipino citizens what its government is doing. Consistantly this has been one of its tasks, regardless of who is in government. I had the privilage of being a consultant for two administrations and as to my assessment the people working then and now are professionals and faithful to their mandate.

The Effect of Negative Weighted Words

Recently, It has been reported that Secretary Andanar had bashed Western Media. Now bash is an interesting emotionally laden term linked to hate mongerers. If we use the term bash and bashing then everyone in media and social media will be painted red with being a basher and bashing. How do you then differentiate a criticism from bashing?

The answer is simple you go back to the whole text and see for yourself. Below you will see the full text of Secretary Andanar’s speech and judge for yourself.

SPEECH OF PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE SECRETARY MARTIN ANDANAR
2017 ASEAN-PCOO ROADSHOW
March 23, 2017 (9:05 – 9:28 A.M.)
BACOLOD CITY

Salamat, Mushi at Carlo. Thank you. Maayong aga.

Para sa mga bisita nating taga Vietnam, xin chao. Ayan sila. Good morning. Good morning po, maayong aga kay Attorney Juan Orola Jr., ng City administrator, sir, former Congressman. Good morning po, Leonardo Eusebio, ang ating representative of the governor of the province. Attorney Maria Janet Mesa, Regional Director ng PIA, tindog ma’am, para kita ang ka-guwapa [on your feet ma’am, so that they will see the beauty] (applause). Ang akong Undersecretary for administration and finance, Undersecretary Attorney Noel Puyat. Hindi ka ba nakunan ng video?

Ang aking napakasipag na Assistant Secretary sa policy at siya po iyong gumagawa ng mga polisiya na isinusumite namin sa ating mahal na Pangulo, para mapirmahan at maging Executive Order o maging Administrative Order si Undersecretary Kris Ablan. (applause). Ang aking… isa ring napakasipag din na Deputy Director General ng Philippine Information Agency, batang-bata, full of energy at karapat-dapat sa kaniyang puwesto, si Gregorio Angelo Villar. Nawala si Gelo?

Dati kong kasamahan sa hanapbuhay, sa pamamahayag, siya po ay beterano na manunulat at isa ho sa respetadong reporter, kolumnista ng The Manila Times bago siya sumali sa ating gobyerno at para tulungan ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, si Joel Egco, Joel Egco? (applause). At isa rin sa… ang bago kong kaibigan at siya ho ay isa sa mga masisipag din na kolumnista mula sa Davao, mula sa Mindanao at kilala ho siya at blogger as well at isa ho siya sa mga advocates ng blogging sa Mindanao at isa rin sa mga naging supporter ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang aking kaibigan na si Carlos Munda. (applause).

Alam ninyo po napakahalaga nitong araw na ito para sa akin dahil ang Presidential Communications Operations Office ay naatasan na umikot sa buong Pilipinas para maipaliwanag ang mga polisiya ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Alam po natin na pagsinabi po na PCOO or Office of the Press Secretary, ang ating nakikita lamang ay iyong sa television, iyong Secretary sa television or iyong Spokesman na nagsasalita. Pero siguro kailangan nating malaman na ang Presidential Communications Operations Office ay taga pangasiwa ng ilang departamento at ilan pang mga ahensiya ng ating gobyerno, hindi lang ho limited doon sa pagsasalita para ho sa ating Pangulo. Sino ba dito ang may alam ng Presidential Communications Operations Office? Itaas ang inyong mga kamay kung alam ninyo na iyong… wala masyado? Alam ninyo ba na ang PCOO ang nagpapatakbo ng PTV4? Oh alam ninyo na ngayon. Ang PCOO din ang nagpapatakbo ng Radyo ng Bayan. Ang Radyo ng Bayan po ito iyong national radio ng ating gobyerno.

Alam ninyo ba na ang PCOO din ang taga pangasiwa ng National Printing Office. O hindi ninyo rin alam? O so iyong mga resibo ng inyong local government dito galing sa NPO iyan, National Printing Office. O ilan po sa inyo ang bumobota na dito? Taas ang kamay, o iyon iyong mga bumoboto, ang nag-iimprenta po ng… iyong mga balota natin is National Printing Office. Ilan po dito ang mayroong pasaporte? Taas ang kamay. Okay, ang pasaporte po ninyo ay ini-imprenta ng APO Production Unit, iyong APO Production Unit ay nasa ilalim din po ng PCOO.

Ngayon, para po sa mga kababayan natin na nakakatanggap ng polyetos o yearbook, lalo na iyong nasa gobyerno ng ating Pangulo, ang nag-iimprenta po noon, ang gumagawa noon ay iyong Bureau of Communication Services, iyong BCS po ay nasa ilalim din ng PCOO. Para sa mga broadcaster ho dito, para sa mga mamamahayag, para sa mga kabataan na rin, mayroon pong Philippine News Agency. Ito po iyong nagsusulat, sila po iyong—ginagawaan nila ng balita kung ano iyong sinasabi ng ating Pangulo. Iyong Philippine News Agency ay nasa ilalim din po ng PCOO at nasa ilalim po ng News and Information Bureau, iyong kaniyang mother unit na PCOO din ang taga pangasiwa. Iyong IBC13 na kasalukuyang binebenta po natin, binebenta po ng ating gobyerno eh pina-privatized ito po ay under PCOO din. May naano ba ako? May nakaligtaan ba ako?

So napakadami po nating ahensya under PCOO. So, that is why it is very important lalo na for this administration na para maramdaman po ng ating kababayan, kung ano ang kahalagahan ng PCOO. The Presidential Communications Operations Office, is the communications arm of the Office of the President. So mahalaga na umikot ang PCOO para maramdaman ng mga kababayan natin ang presensiya ng ating gobyerno sa pamamagitan ng komunikasiyon.

Now, kapag kayo po ay nanuod ng television at nakinig ng radyo at nanuod ng balita or ng Speech ng Pangulo sa pamamagitan ng ating Presidential Communications sa Facebook. Ilan ho sa inyo ang nakapanuod na ng Presidential Communications sa Facebook tuwing nagsasalita si Pangulo at nagla-live? Taas ang kamay. Then, that is not enough. Kailangan ho ay maramdaman ninyo ang presensiya ng opisina sa pamamagitan ng two way communication. Which means the Philippine Information Agency with just under the PCOO also, sila po ang naatasan natin na umikot sa buong Pilipinas para makausap, makadaupang-palad ang ating mga kababayan. So that is what we called on-ground communication.

So always remember this, if you go home, if there’s anything I want you to learn when you go home. PCOO is all about On Air, ang On Air po niyan ito po iyong tv at radyo, On Air, On Print ito po iyong mga polyetos na ini-imprinta ng Office of the President at ipinamimigay sa inyo, pinamimigay sa ating mga kababayan, pinamimigay sa mga Regional Directors, sa mga Munisipyo. Online, ito po iyong Presidential Communications Facebook page, ito po iyong website natin (pcoo.gov.ph) ito po iyong viber online, so on air, on print, online at mayroon pang isang ‘O’, on ground. Ito po iyong Philippine Information Agency para makausap ninyo po mismo ang gobyerno.

Now, bakit po tayo nandito? Ito po ay bahagi ng on ground activity ng PCOO sa pamamagitan ng Philippine Information Agency at ilang mga ahensiya under PCOO. Kung mapapansin ninyo po ay mayroon tayong mga camera dito, iyong mga camera po na ito, ito ay RTVM, the Radio Television Malacañang under PCOO din iyan. Ang Radio Television-Malacañang, sila po iyong nagko-cover ng Presidente kung nasaan iyong Pangulo. Kinukuhanan ng video, ini-interview. Mayroon din po tayong PTV. Mayroon ba tayong Radyo ng Bayan dito? Wala pa, wala pa. Magpapatayo pa tayo ng Radyo ng Bayan. So iyong On Air is being represented by RTVM and PTV. Are we live now sa Facebook? Live ba tayo? We are live? So iyong live sa Facebook ngayon, iyan po iyong online.

Now, noong pumasok po kayo dito sa loob ng Conference room ay mayroon kayong nakitang mga diyaryo mula sa masa, para sa masa, iyon o hawak niya oh, iyon oh. Iyan ay On Print, On Print iyan, produkto po iyan ng PCOO. So mayroon tayong On Air. Online, On Print at iyong On Ground at iyong mga PCOO na nandito.

The President has so many good policies na dapat malaman po ng ating taong bayan. Ang nangyayari po kasi ay para tayong nalulunod doon sa ilang mga maiingay na sektor ng ating lipunan at sa ibang bansa, iyong Western media na pawang ay… ibinabagsak po nila iyong ating gobyerno. Iyong mga magagandang ginagawa ng ating Presidente ay parang binabalewala nila at iyong inire-report nila, iyong mga walang katuturan na ang tinatawag natin ay fake news.

So, halimbawa nagsulat ho iyong New York Times, si Ginoong Richard Paddock. Na sinasabi niya… kung ano-ano iyong kaniyang mga sinasabi doon sa kaniyang sinulat about the President na halatang halata mo naman na isinulat lang iyon para… just to throw negativities against the President, para tayo po lahat ay hindi maniwala, iyon po kasi iyong problema diyan. That’s why the Presidential Communications Operations Office is doing its job, double time kahit hindi po ganoon kataas, kalaki iyong budget natin. Kahit alam natin na tayo po ay kapos, para matugunan itong problemang ito fake news na ito. Kaya po tayo nandito ngayon para—dahil alam naman natin na kung ano hong isinusulat ng Western media, hindi naman totoo iyon, sasabihin nila 7, 000 iyong namatay dahil sa EJK, 7, 000 ba talaga. Kayo ba ay naniniwala na 7, 000 talaga? Alam natin nire-report ng Philippine National Police is 2, 000. Hindi ho ba? 2, 000 ang sinabi ng—sinong paniniwalaan ninyo? Philippine National Police o iyong mga Western media? A or B, Philippine National Police o Western media? Sinong paniniwalaan ninyo? See.

Ang problema ho kasi eh, maraming maiingay sa Western media na ayaw nila iyong mga pagbabagong ginagawa ng ating Pangulo. Papayag ba tayo na ganoon-ganoon na lang ang pambabastos na ginagawa sa atin. Papayag ba kayo? Oo o hindi? Hindi, of course. We only have one country. We only have flag. And we have to take care of our country and we have to take care. We have to love our flag. So that is the job of the Presidential Communications Operations Office to go around para ipaliwanag po sa ating lahat ang mga ginagawa ng ating Pangulo.

Now, mayroon po tayong PTV, mayroon tayong 8888 na programa. Kung mayroon din naman ho kayong reklamo sa gobyerno. Kung mayroon kayong ayaw sa pamamalakad ng ating gobyerno o lokal na pamahalaan dito sa Bacolod, puwede kayong tumawag sa 8888 at puwede ninyong ireklamo sa PTV at puwede ninyong ireklamo sa Radyo ng Bayan. Kasi kayo po ang may ari ng PTV. Kayo po ang may ari ng Radyo ng Bayan. So ganoon po ang ating Pangulo, kaya nga po eh pinirmahan ng ating Pangulo ang Executive Order no. 2: Creating the Freedom of Information, dahil wala hong tinatago ang ating Pangulo. Ang gusto niya ay transparency of government, iyong Freedom of Information na ipapaliwanag po sa atin mamaya ni Attorney Kris Ablan.

Isa ho ito sa groundbreaking executive orders na pinirmahan ng ating Pangulo. Matagal ng ipinaglalaban sa Kongreso, 1987 pa lang. Panahon pa ho ni yumaong Senador Raul Roco ay gusto ng palakasin iyang nakalagay sa Konstitusiyon na right to information. Itong Freedom of Information ay puwede ninyo pong—puwede ninyo na pong hingiin iyong mga impormasiyon na gusto ninyong malaman. Halimbawa, mayroong isang tulay na ginagawa sa ating barangay. Gusto mong malaman kung magkano ang gastos noon. Gusto mong malaman kung sinong bidder. Gusto mong malaman kung saan napunta up to the last centavo, dumiretso na ho kayo sa Freedom of Information at tanungin ninyo doon kung papaano ginastos iyong pondo ng aking barangay o ng DPWH, o ng DOH, iyon po. Pinirmahan ng Pangulo iyon. Kahit na ng mga nakaraang administrasyon ay hindi po ginusto ng nagpapatakbo ng ating gobyerno noong panahon na iyon.

Kailangan ninyo rin pong malaman na mayroon tayong Administrative Order number 1, na tinatawag po natin na task force on media security dahil ang bansa po natin ay nakilala, nabansagan na isa sa pinaka-dangerous na lugar para sa mga media practitioners. So dahil mahal po ng ating Pangulo ang karapatan natin na magsalita, ang Freedom of the Press, dahil mahal po ng ating Pangulo itong bahagi ng demokrasyang ito. Pinirmahan niya po iyong AO Number 1, for the first time in Philippine history na mayroon po tayong AO or Administrative Order na naka-focus lang sa mga media men and women.

Wala ba dito si Joel Egco? Nandiyan si Joel Egco kanina. So si Joel Egco po iyong magsasalita about that. Number 3, iyong ASEAN, batay po sa survey, bente-kuwatro porsyento lang ang nakakaintindi ng ASEAN. Ilan ba sa inyo ang nakakaintindi ng ASEAN? Taas nga ang kamay? O kapag nagtanong ako dito ng estudyante. Ito, itong nakasalamin. Anong ibig sabihin ng ASEAN, iha?

STUDENT: Association of Southeast Asian Nations.

SEC. ANDANAR: Iyon palakpakan natin. (applause). Iyong isang nakasalamin doon, iyong naka-blue. Maganda ang salamin niya. Ano ang ASEAN?

STUDENT: Association of Southeast Asian Nations.

SEC. ANDANAR: yon palakpakan natin ulit. (applause). Eh doon tayo sa may mga edad na. Lahat ng may mga edad nakaganyan lahat eh. O doon tayo sa nakatayo na nakapula doon, media man, hindi pero alam ninyo na eh, alam mo na eh. Nakapula, eh dito na lang tayo, iyong naka-green iyong ayaw tumingin sa akin na kunwari nagbabasa. Ilang bansa—ilang bansa ang miyembro ng ASEAN?

Iyon… palakpakan natin. (applause). So kailangan maintindihan natin kung anong kahalagahan ng ASEAN. O mukhang gusto ninyo pa ng question. Anong taon in-establish ang ASEAN? Dito tayo. Nakatingin sa akin, nakasalamin ulit. Ma’am? 1967. A very important to know what ASEAN is, because miyembro po tayo ng ASEAN and this year is the 50th Anniversary, Golden Anniversary ng ASEAN at tayo po ang Chairman. At maraming gustong gawin ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte as the Chairman of ASEAN this year. At isa diyan sa mga gusto ni Presidente is that, we Filipinos and we, as citizens of ASEAN and collectively ASEAN, dapat tayo po ay tumindig. We should stand up for ourselves, for our right to exist without any interference from other countries or associations outside of ASEAN.

So, kapag nakikialam po iyong mga European parliament na iyan at sinasabi nila, they are trying to impose their lifestyle and their morals to us Filipinos. Eh dapat huwag silang ganiyan dahil hindi naman sila miyembro ng ASEAN, at mayroon din naman silang mga problema doon sa kanila and they should mind their own business before they mind other people’s business. At isa ho iyan sa gusto ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa ASEAN, sinong magsasalita sa ASEAN, Kris? Si Usec. Noel Puyat ang… so iyon lang po.

Marami tayong gustong sabihin dito pero I’m just giving you a little background of why the PCOO is here. Why we exist and what we are doing to strengthen our agencies at marami pa po tayong oras para diyan siguro. If you need a questions about PTV. Kung ano iyong plano ng PTV nandito po ang ating General Manager si Diño Apolonio para… puwede po kayong magtanong sa kaniya and he can tell you about the plans of PTV at kung papaano palalakasin ang People’s Television but just to give you… in a nutshell .

Ang PTV will be broadcasting in digital very soon, ibig sabihin po niyan, iyang PTV po natin na… PTV na main channel magkakaroon po tayo ng mga sub channels, tatlo or apat. So bukod sa napapanuod ninyong PTV ngayon na mayroon ng balita at binabago natin iyong pamamaraan ng ating production. Magkakaroon po ng tatlong sub channel, iyong isang sub channel ay parang teleradyo. So magkakaroon po iyong Radyo ng Bayan ng programa doon at mapapanuod ninyo po doon sa isang channel. Iyong pangalawang sub channel, ito po iyong Salam at Lumad TV, television ho para sa mga kapatid nating Muslim at mga kapatid nating member ng IP’s at iyong pangatlong channel ho natin doon ay puwede nating ibigay sa Department of Agriculture.

Isa ho iyan sa mga puwedeng pag-usapan, iyong federalism etcetera iyong mga issues ng Pangulo so marami na tayong pagpipilian. so one day, darating po dito sa inyo sa Bacolod, iyong re-launch ng PTV at Radyo ng Bayan will also be upgrading at magkakaroon din po kayo ng Radyo ng Bayan dito sa Bacolod. Maraming salamat po sa inyong panahon at enjoy the rest of the day. Mabuhay po tayong lahat dito sa Bacolod. (applause).

Posted in Opinion | Tagged , , , , | Leave a comment