Hoy Hoy Mister PNoy Bakit ka Nangangamoy?!

Habang hinihantay natin ang BOI Report at ibat-iba pang report mula sa Senado, sa DOJ at kahit sa MILF ( na una pang binigay sa Malaysia) nakita natin si Pangulong Pnoy ipagtanggol ang sarili sa isang prayer meeting sa Malacanang. Hindi ko alam sa inyo, pero para sa akin ang sinabi ng Pangulong Aquino ay nakakabigat ng loob at nakakagalit. Mahirap magsulat tungkol dito na hindi napapamura or di kaya isumpa si Pangulong Pnoy. Kanina na lang narinig ko sa radyo ang isang kanta na bagay sabihin: dapat sabihin kay Pangulo PNoy. Ito yung kanta na kinanta ni Mike Hanopol. Bagay-Bagay kantahin kay Mister PNoy.

Hoy Hoy Mister Pnoy
Ang kanta at salita unang sinulat at kinanta ni
Mike Hanopol

Lagi mong tinatakpan ang iyong katauhan
Ikaw ay sinungaling, masyado kang magaling
Masyadong kang madaldal, mukha mo’y ang kapal
Gusto mong magpasikat, ikaw pala’y nagkakalat

Bakit ka ganyan ayaw manalamin
Lagi kang tumatakbo, ayaw mong harapin
Lagi mong tinatago ang iyong pagkatao
Alam mo bang ikaw ay switik, at ikaw ay plastik

Chorus

Hoy hoy hoy Mister PNoy, bakit ka nangangamoy
Hoy hoy hoy Mister PNoy , ikaw ay nangangamoy
Pnoy

Kung ikaw ay kaharap, mabango ang iyong dila
Ngunit pagtalikod mo naglalaho ang ‘yong bango
Ikaw ay kitang-kita, mukha mo’y doble-kara
Dapat mong malaman na ikaw ay kenkoy

Posted in Opinion, Politics | Tagged , | 1 Comment