Dasal Kay San Florencio Abad

All: Sa ngalan ni Ninoy, Tita Cory at Noynoy

San Florencio Abad Ama ng Budget Patnubayan mo kami
Naging Pangulo si Noynoy at balike Palasyo si San Florencio Abad, Santo Purisima
Naghanap si San Florencip Abad sa Gobyerno
Nalikha ang Disbursement Acceleration Program o Dap
Nakalikum ng BILYONG-BILYON PERA

Response: In Good Faith

Ginamit ang Pera sa pagbili ng doppler machines
Ginamit ang Pera sa pagbayad ng utang ng Central Bank at Customs
Ginamit ang Pera sa paggawa ng kalsada
Ginamit ang Pera sa stem cell research

Response: In Good Faith

Natangal si Corona
Nabulgar si Napoles at ang PDAF
Nadawit si Revilla, Estrada at Enrile
Nabunyag ni Jinggoy na ginamit ang DAP sa pagbili ng impeachment vote

Response: In Good Faith

Sabi ng mga Nega, Kritiko at iba pa, Parehong mali ang PDAF at DAP
Sabi ng mga Coryista, KaPalasyo at iba pa hindi naman
Dinala sa Korte Suprema ang problema ng PDAF at DAP
Una sinabi ng Korte Suprema mali ang PDAF
Pangalawa sinabi ng Korte Suprema na may ilang kalakaran na mali ang DAP

Response: In Good Faith

Nagalit si Noynoy hinamon ang Korte
Si Tupas naman gustong tanggalin ang pera ng Korte Suprema at mga Korte
Si Atienza naman inulit ang hiling sa makuha ang SALN ng mga Huwes
At nag file ng motion for reconsideration ang mga KaPalasyo sa Korte Suprema

Response: In Good Faith

Sinabi ng mga Nega, Kritiko at Iba Pa, “tanggalin si San Florencio Abad”
Sinabi nga mga Nega, Kritiko at Iba Pa,”mag resign na si San Florencio Abad”
Sinabi ng PNoy, “no way Jose Velarde … Bitter Ocampo lang Kayo!”
Nag file ng impeachment case laban sa Pangulo

Response: In Good Faith

Sabi ni San Florencio Abad hindi daw PDAF and DAP
Sabi ni San Florencio Abad nag-improve ang economy dahil sa DAP
Sabi ni San Florencio Abad ginagawa na ito ni Cory, Fidel, Erap at Gloria
Sabi ni San Florencio Abad masisira ang ekonomiya pag wala ang DAP
Sabi ng mga Nega, Kritiko at Iba Pa, “the end does not justify the means”
Sabi ng mga Nega, Kritiko at Iba Pa, “just because this is old practice does not make it right”
Sabi ng mga Nega, Kritiko at Iba Pa, “may life after DAP … let it go, let it go”

Response: In Good Faith

Nagpunta si San Florencio Abad sa Senado
Hindi ni-liston ni Drilon si San Florencio Abad
Ngunit nagisa si Binay, Ejercito, Marcos at Osmena
Suwerte pa at wala si Miriam
Sa Twitter at Facebook ang mga Nega, Kritiko, Coryista at KaPalasyo nag-away

Si San Florencio Abad at mga KaPalasyo pinagtanggol parin ang DAP

Response: In Good Faith

San Florencio Abad nilikha ang DAP
San Florencio Abad at Pnoy ginamit ang DAP
San Florencio Abad at Pnoy tinanggol ang DAPS
Ang Tuwid Na Daan At Wala ng Wang Wang na tabunan ng PDAF at DAP
San Florencio Abad tagapagtanggol ng DAP
San Florencio Abad kalingain mo kami
San Florencio Abad magtayo kaya ng bagong power plants at tanggalin ang mga brownouts
San Florencio Abad bigyan mo kami ng bagong NAIA
San Florencio Abad, Santo Purisima Patron ng DAP patnubayan niyo kami

Response: In Good Faith

All: Sa Ngalan ni Ninoy, Tita Cory at Noynoy, Amen

This entry was posted in Opinion and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.