Nag-Usap si Ton Ton Maton at si Mang Goryo Tungkol sa Justice in De Pilipins at Iba Pa

Isang araw narinig ko nag-uusap si Ton Ton Maton at si Mang Goryo sa carinderia ni Siony sa New York, Cubao, Quezon City

Goryo: Mabuti pa noong panahon ni Makoy ; matino tayo; walang traffic; at hindi sikip ang Metro Manila.

Ton Ton Maton: Ah Mang Goryo mas matino pa yung panahon ni Lapu-Lapu: walang krimen, walang polusyon; at natalo pa natin si Lapu- Lapu.

Nag-uusap pa rin si Ton-Ton Maton at Si Goryo

Goryo: Anong tawag mo pag nakulong kaagad si Diego Snatcher?

Ton Ton Maton: ah justice ang tawag diyan šŸ™‚

Goryo: eh ano naman tawag mo paghindi nakulong si Manong Senador at Manang Congresswoman?

Ton Ton Maton: ah justiis yan.

Goryo: eh ano naman tawag mo pag hindi na kasuhan man lang ang mga Dorobo?

Ton Ton Maton: Ah madali yan KKK

Goryo: Anong KKK ???

Ton Ton Maton: ah Kapuso, Kapamilya o di kaya Kakampi

Goryo: Eh ano naman ang mga klase ng arrest sa Pilipinas

Ton Ton Maton: Easy, pag si Diegong Snatcher arrestado ka. Para aa mga Maharlika may: (1) house arrest: hospital arrest; rest house arrest at Executibe Pardon..

Goryo: Bwiset! Siony yung kapi namin nasaan na?

This entry was posted in Opinion, Stories and tagged , . Bookmark the permalink.

One Response to Nag-Usap si Ton Ton Maton at si Mang Goryo Tungkol sa Justice in De Pilipins at Iba Pa

  1. Jamae says:

    cool.

Leave a Reply